COMMUNITY PROFILE


Nayong Pilipino


Ang Nayong Pilipino ay isa sa pinakamaganda at mahalagang pasyalan sa lungsod  ng Angeles City na matatagpuan malapit sa Clark Expo sa Clark Air Base..Sa Nayong Pilipino ay makikita ang pamumuhay ng mga pananakop ng mga kastila. Ito din ay may kabuuang sukat na tatlong
 Pilipino mula sa panahon bago sakupin ng mga kastila hanggang sa ektaryang parke na nagpapakita ng mayayamang kultura n gating mga ninuno bago at pagkatapos sakupin ng mga kastila. Sa lugar ng Pre- 
 Colonial Era makikita natin ang mga tribo na naninirahan sa mga Bundok, Ito ang mga Ifugao,Kalinga at Labuad kapampangan at ang mga pangkat Etniko sa Luzon kagaya ng Aeta at ang mga paniniwala ng  ating mga ninuno sa mga diwata hanggang sa mga pangkat sa Mindanao na tinatawag na Marano.

Ifugao

Ang salitang Ifugao ay nagmula sa salitang Ipugo na ang ibig sabihin
ay nakatira sa mga bundok. Una na dito ay ang bahay na Ayangan. Ang
Ayangan ay ang bahay na mga opisyal sa kanilang tribo at matatagpuan
sa harap ng bahay ay ang bungo ng Kalabaw na ang ibig sabihin na may
opisyal na naninirahan. Ang Mayoyao ay isa rin sa mga tribo sa  kabundukan ang kanilang bahay ay kakaiba sa mga ayangan. Pinaiksi ang bubong at hindi kagaya sa agayan. Ang tuwali naman ay isa rin sa mga tribo ang kanilang tahanan ay kakaibang-kakaiba dahil sa disenyong mahaba ang bubong at hindi matatanaw ang mga haligi at ang loob nito. Ang pagkakaPareho nila ay ang lahat ng bahay ay gawa sa pawid jugon at kawayan at hindi gumagamit ng pako at lahat ay may “rat Guard"

Kalinga Village

Ang mga taga Kalinga ay magagaling sa Pag-gawa ng mga tirahan at kagaya ng mga taga-Ifugao sila ay gumagamit ng pawid, kugon at kawayan sila ay gumagamit na kahoy ng pako. Ang disenyo ng bahay nila ay iba rin sa Ifugao meron tinatawag na kiletoh na may walong haligi na ang sahig ay natutupi upang ang mga pagkain na nahulog ay mapupunta sa ilalim ng bahay upang makain ng mga alagang manok . Isa rin ang bahay na tinatawag na Piletong ito ay may apat na haligi at natutupi ang mga sahig. Ang pagkakaiba na mga kalinga sa ifugao ay  wala silang “rat guard”. Ang bawat kulay sa kanilang tribo ay may sagisag . Una na ang kulay na dilaw na sumasagisag sa kapayapaan at pula sa katapangan at berde sa kasaganahan. Kapag ang isang tao ay maraming kwintas ay ibig sabihin ay nakakataas ito sa kanilang tribo.


Labuad Kapampangan

Dito matatagpuan ang tipikal na tahanan ng mga kapampangan at ang
uri ng kanilang kusina na ang lamesa ay walang upuan.
  
Maranao Village

Ang mga taong naninirahan sa tabi ng lawa. Ang disenyo ng mga bahay  ng mga Marano ay kakaiba sa mga tagaLuzon kapag ang isang tahan ay may disenyong okier ito ay nangangahulugan na ang taong nakatira ay
isang nakakataas sa kanilang pangkat. Ang tawag sa kanilang bahay ay turugan ang ibig sabihin ay tulugan .

ANG PANINIWALA SA DIWATA

An gating mga ninuno sa panahon bago patayo sakupin ng mga kastila
ay naniniwala sa mga diwata. Isa na ditto si Maria Sinukuan na diwata  ng mga kapampangan sa bundok ng Arayat . si Maria Makiling ay ang diwata ng timog-Katagalugan sa paniniwaqlang naninirahan sa bundok ng Makiling.

Ang Pangkat Etniko sa Luzon

Isa rin sa mga pangkat Etniko ay ang mga aeta na naninirahan sa  Luzon particular na sa Gitnang Luzon sila ay mga taong maliliit at kulot ang buhok na maitim ang kulay ng balat. Awong ang tawag sa kanilang mga tirahan. Apo Mallari ay ang anito ng mga aeta
    
PANAHONG KOLONYAL o COLONIAL ERA

Ang panahong ito ay isang pangyayari kung saan ipinapakita ang pamayanan habang at pagkatapos ng panahong kolonyal. Dito ipinapakita ang kaugalian, kultura at pamamaraan ng buhay ng mga tao sa panahon ng mga kolonyalismo. Narito ang ilan sa mga "LandMarks." ng panahong kolonyal.


Philippine Museum at Spanish Culture and Religion Museum.

Ang dalawang ito ay replika ng mga totoong Intramuros. Ang Intramuros ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "Behind The Wall."kalaunan ay nahati ito sa dalawa, ang Philippine Museum at Spanish Culture and Religion Museum. Ang Philippine Museum ay itinayo upang ipreserba ang mga kultura ng ating bansa samantala naman ang Spanish Culture and Religion Museum ay itinayo upang ipreserba ang mga kultura at pang-relihiyon ng mga Espanyol.

Fountain Area

Pinapakita rito ang replika ng liwasan ng mga pueblo o bayan.


Barasoain Church


Ang Barasoain Church ay isa sa pinaka tanyag na simbahan sa Bulacan. Ang replikang ito ay pinagdarausan ng mga misa. Ang Barasoain ay nagmula sa matalinhagang salita ng tagalog na ang ibig sabihin ay "Baras ng Suwail."Ang Barasoain ay dating Baras o pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas ni Heneral Emilio Aguinaldo.


Heroes Plaza


Pinapakita rito ang iba't ibang disenyo ng watawat simula  ng pagkakatatag ng katipunan hangang matapos ang himagsikan.Nandito rin ang replikang mga watawat na ginawa ng mga bayani.


Aguinaldo's House


Ang Aguinaldo's House ay isang replika ng bahay ni Hen. Aguinaldo sa Kawit, Cavite kung saan winagayway ang watawat ng Pilipinas noong hunyo 12, 1898.


Rizal's House


Ang Rizal's House ay isang replika ng bahay ni Dr. Jose Rizal sa Laguna. Ang mga kagamitan dito ay gayang gaya ng mga kagamitan ni Rizal.  


Mabini's House


Ang Mabini's House ay isang replika ng bahay ni Apolinario Mabini.

Katipunan Hall

Ipinapakita rito ang kasaysayan, pagbuo, at kagamitan ng mga katipunero nang himagsikan. Ipinapakita rin dito ang pagiging Supremo ni Andres Bonifacio.